Sinabi kamakailan ni Zhou Shengxian, Ministro ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina, na sa taong ito, dapat buong lakas na pasulungin ang pagbabawas ng mga pollutant, palakasin ang pagmomonitor at pagpapalabas ng impormasyon hinggil sa PM2.5 air pollution, at pabutihin ang sistema ng environmental impact assessment.
Ayon pa rin kay Zhou, noong isang taon, isinakatuparan ng Tsina ang target ng pagbabawas ng mga pollutant, at bumaba ng mahigit 2% ang kabuuang bolyum ng pagbuga ng 4 na pangunahing pollutant. Pinairal din sa 74 na lunsod ang proyekto ng pagpigil sa air pollution.