|
||||||||
|
||
Kahapon ay huling araw ng bakasyon ng Spring Festival ng taon ng ahas ng Tsina. Magkakasunod na umuwi ang mga turistang Tsino, at hindi lumitaw ang malawakang siksikan ng turista. Sa pitong araw na bakasyong ito, mainit ang pamilihan ng paglalakbay sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa impormasyon ng turismo sa bakasyon ng Spring Festival na ipinalabas kagabi, sa linggong gininduan ng Spring Festival, nakatanggap ang 39 na pangunahing lunsod na panturista ng Tsina na gaya ng Beijing, Tianjin, Shanghai, Haerbin at Sanya ng 76 milyong person-time na turista. Ang bilang na ito ay lumaki ng 15% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon.
Tuluy-tuloy na lumalaki rin ang paglalabay sa ibayong dagat sa kasalukuyang Spring Festival. Ang Thailand, Timog Korea, Hong Kong, Macao at Taiwan ay naging pinakamainita na destinasyon ng paglalakbay ng mga turistang Tsino.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |