|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kamakalawa ng pahayagang "Okinawa Times", itinakda na ng lunsod ng Ishigaki ng Hapon ang panukala hinggil sa pag-aaplay para sa Diaoyu Islands bilang world natural heritage. Mangangalap ito ng kuru-kuro ng mga mamamayan, at magsasadya sa islang ito para sa pagsasarbey sa angkop na panahon.
Sinabi ng Kyodo News Agency ng Hapon na ang aksyong ito ay pinapasulong, pangunahing na, ng alkalde ng Ishigaki na aktibong humihiling para sa paggagalugad sa Diaoyu Islands, pero tinututulan ng maraming tao ang ganitong aksyon. Sa kasalukuyan, nangingibabaw pa rin ang alitan sa soberanya ng Diaoyu Islands. Hangga't hindi pa natitiyak kung aangkop o hindi ito sa pamantayan ng world natural heritage, ang pagsasarbey sa isla ay may napakalinaw na layuning pulitikal.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Yang Xiyu, Mananaliksik ng China Institute of International Studies, na ang aksyong ito ng Hapon ay may bahid-pulitikal at nagtatangkang hanapin ang pagkilala ng komunidad ng daigdig sa pagkakaroon nito ng soberanya sa Diaoyu Islands. Sa esensya, walang kaugnayan ito sa pangangalaga sa likas na pamana. Dagdag pa niya, dahil hindi umaangkop ito sa kinauukulang tadhana ng United Nations, hindi magtatagumpay ang aplikasyon ng Hapon. Pero magpapasidhi ito sa maigting na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |