|
||||||||
|
||
Ipinalabas kagabi ang pahayag ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na kumokondena sa suicide bombing sa Quetta, Timog Kanluran ng Pakistan. Inulit din niyang buong tatag na kinakatigan ng UN ang paglaban ng Pakistan sa terorismo.
Anang pahayag, ito ang ikalawang teroristikong pagsalakay na ginawa sa iisang lunsod at nakatuon sa iisang grupo sa loob ng isang buwan. Hiniling din ni Ban na agarang isagawa ang aksyon sa mga may-kagagawan.
Naganap kamakalawa ang suicide bombing sa isang palengke sa Quetta, Timog Kanluran ng Pakistan. Sa kasalukuyan, 84 katao na ang namatay, at di-kukulangin sa 173 katao ang nasugatan. Ayon sa ulat ng medyang lokal, ipinatalastas ng Lashkar-e-Jhangvi, isang grupong ekstrimista, na sila ang may pananagutan sa pambobomba.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |