Ayon sa impormasyong ipinalabas kahapon ng Prime Minister's Office of Singapore, lumabas na ng ospital si Lee Kuan Yew, dating Punong Ministro ng Singapore na nagpagamot dahil sa arrhythmia. Sa kasalukuyan, nagpapagaling na siya sa sarili niyang bahay.
Ang 89 na taong gulang na si Lee ay nanungkulan minsan bilang Punong Ministro, Senior Minister, at Cabinet Senior Minister ng Singapore. Dahil sa kanyang namumukod na ambag para sa pagsasarili at pag-ahon ng bansa, tinagurian siyang "Ama ng Singapore".
Salin: Vera