"Kayang-kaya naming mapangalagaan ang seguridad at soberanya ng estado." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hishammuddin Hussein, Ministro ng Mga Suliraning Panloob ng Malaysia, bilang tugon sa paglalala ng situwasyon sa pagitan ng Malaysia at Sultanate ng Sulu sa Sabah. Binigyang-diin niya na kasalukuyang isinasagawa ng Malaysia ang pakikipagdiyalogo sa kabilang panig, para maiwasan ang kapinsalaan sa buhay. Aniya, kung hindi ito maging mabisa, isasagawa ng kanyang bansa ang anumang hakbangin, para mapangalagaan ang seguridad at soberanya ng bansa.
Nauna rito, ipinahayag naman ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na nagsisikap ang dalawang bansa, para mapayapang malutas ang naturang situwasyon.