|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo ngayong araw dito sa Beijing, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, kay Dmitry Mezentsey, bagong Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization o SCO. Ipinahayag ni Xi na umaasa siyang ang SCO ay gaganap ng mahalagang papel para mapangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito at mapasulong ang magkakasamang pag-unlad at kasaganaan ng mga miyembro.
Binigyan-diin ni Xi na sa kasalukuyan, patuloy na nagaganap ang malalim at masalimuot na pagbabago sa kalagayang pandaigdig. Dapat aniyang palakasin ang konstruksyon ng SCO at pasulungin ang pangmatagalang kooperasyong pangkaibigan ng mga miyembro para maharap nang mas mabuti ang bagong banta at hamon. Ito ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga miyembro, at makakabuti rin sa kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Mezentsev na nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikikooperasyon sa Tsina, at isasaayos nila nang mabuti ang gaganaping taunang SCO Summit sa Bishkek sa taong ito, para aktibong pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng organisasyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |