Noong ika-22 ng Pebrero, idinaos sa Manila ang ika-2 diyalogo ng Pilipinas at Hapon hinggil sa mga suliraning pandagat. Ibinahagi ng Kagawaran ng Uganayang Panlabas ng Pilipinas na sa naturang diyalogo, natalakay ang isyu ng South China Sea, at "kapuwa nila ipinalalagay na ang isyu ng South China Sea ay may kinalaman sa mahalagang kapakanan ng komunidad ng daigdig. Samantala, kinumpirma ng dalawang bansa na kailangang palakasin ang kooperasyon ng mga departamentong pandepensa.
Ayon sa press release ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas pagkatapos ng diyalogo, nagpalitan ang dalawang bansa ng kuru-kuro sa isang pangkat ng proyekto at aksyon hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng seguridad na pandagat, kalayaan at kaligtasan ng paglalayag sa dagat at iba pa. Tinalakay din nila ang mga rehiyonal na isyung pandagat, at ibinahagi ang kani-kanilang karanasan sa pagbibigay-dagok sa mga pirata.
Ipinahayag ng naturang kagawaran ang pagtanggap sa patuloy na pagkatig ng Hapon sa konstruksyon ng kakayahan ng Philippine Coast Guard. Kinumpirma rin ng kapuwa panig na kailangang ibayo pang palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagitan ng mga departamentong pandepensa. Ipinalalagay nilang ang isyu ng South China Sea ay may kinalaman sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ito rin ay masusing elemento ng pag-unlad sa kabuhayan ng iba't ibang bansa sa baybaying dagat.
Kapuwa binigyang-diin ng Pilipinas at Hapon na nararapat na mapayapang malutas ang isyu ng South China Sea batay sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng UN Convention on the Law of the Sea.