Kaugnay ng magkasanib na pahayag na ipinalabas ng Hapon at Amerika hinggil sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP), ipinahayag sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bukas ang atityud ng panig Tsino sa anumang mungkahing pangkooperasyon na nakakabuti sa kaunlarang pangkabuhayan at komong kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko, na tulad ng TPP. Sa kasalukuyang situwasyon, sa pundasyon ng lubusang pagsasaalang-alang sa pagkakaiba at iba't-ibang uri ng kabuhayan ng rehiyong ito, dapat maayos na pasulungin ang proseso ng integrasyon ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng