Sa pamamagitan ng botohan, kinumpirma ngayong araw ng Pirmihang Lupon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang kuwalipikasyon ng lahat ng 2987 deputado ng ika-12 NPC. Pagkatapos, isinapubliko ng Pirmihang Lupon ng NPC ang listahan ng naturang mga deputado.
Ang mga deputado ng kasalukuyang NPC ay inihalal mula noong Disyembre ng nagdaang taon hanggang Enero ng taong ito. Kumpara sa mga nagdaang NPC, mas marami ang mga deputado ng kasalukuyang NPC na galing sa kanayunan.
Salin: Liu Kai