Nakatakdang magkahiwalay na simulan sa Beijing sa ika-5 at ika-3 ng Marso ang Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Opisyal nang binuksan kahapon ang News Center ng naturang dalawang sesyon para mapaginhawa ang pagkokober ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng Tsina.
Sa kasalukuyan, maari nang buksan ang homepage ng sesyon ng NPC (http://www.npc.gov.cn/pc/12_1) at CPPCC (http://www.cppcc.gov.cn).
Salin: Andrea