Tinatalakay ngayon sa Almaty, Kazakhstan ang isyung nuklear ng Iran. Tungkol dito, ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasang makakakuha ang iba't ibang panig na kinabibilangan ng Iran, Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya ng pagkakataon para simulan ang substansiya na talastasan sa lalong madaling panahon.
Aniya rin, lumahok si Ma Zhaoxu, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina sa talakayan, at nakatakdang makipagtagpo kay Ali Baqeri, Pangalawang Kalihim ng Iran's Supreme National Security Council.
salin:wle