|
||||||||
|
||
Ang pinakamalaking katangian ng halalan ng naturang mga deputies ng ika-12 NPC ay: sa kauna-unahang pagkakataon, nahalal ang naturang mga deputies sa pamamagitan ng paggagamit ng pareheong rate ng populasyon ng kapuwang lunsod at nayon. Ito ay sumasagisag na muling isinakatuparan ang isang mahalagang progreso sa demokrasiya na may katangiang Tsino.
Hinggil dito, tinukoy ni Han Dayuan, Puno ng Instituto sa Batas ng Renmin University of China, na ang paghahalal ng mga deputies sa paggamit ng parehong rate ng populasyon ng kapuwang lunsod at kanayunan ay nagpapakita ng pag-unlad at progreso ng lipunang Tsino. Ito ay makakabuti sa pagpapasulong ng pag-unlad ng integrasyon ng lunsod at nayon, at pagpapasigla ng mga magsasaka na makisangkot sa mga suliraning pulitikal.
Ang naturang halalan ay nagpakita ng isang pundamental na prinsipyo: pagkakapantay-pantay sa pagitan ng iba't ibang tao, iba't ibang lugar at iba't ibang nasyonalidad. Ang mga deputies ng NPC ay mayroong malawak na representasyon, ito ay pundamental na kahilingan ng sistema ng NPC ng Tsina, ito rin ay mahalagang pagpapakita ng sosyalistang demokrasiya.
Bukod dito, tinukoy rin ng dalubhasa na ang mga deputies mula sa nakabababang yunit ay mayroong masaganang karanansan, at mayroong ding mahigpit na pakikipag-ugnay sa mga mamamayan, kaya sila ay mayroong direkta at totoong damdamin sa mga isyung tulad ng reporma, pag-unlad, pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan, pangangalaga sa katatagan at iba pa. Tiyak na aktibong ipapakita nila ang mithiin ng mga mamamayan para malakas na pasulungin ang paglutas sa mga isyung pinahahalagahan ng mga mamamayan. Hinggil dito, ipinalalagay ng dalubhasa na ito ay makakabuti sa mas mabuting pagpapakita ng mithiin at kapakanan ng mga mamamayan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |