|
||||||||
|
||
Idinaos sa Beijing kaninang umaga ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina ang isang demokratikong pulong, para ipaalam ang impormasyong tungkol sa gaganaping dalawang sesyon, sa mga partidong demokratiko, pederasyon ng industriya at komersyo, at mga personaheng walang kinaaanibang partido, at pakinggan ang kanilang mungkahi.
Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC. Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Xi, na ang pagsasagawa ng reporma sa sistemang administratibo ay di-maiiwasang kahilingan para sa pagpapasulong sa pag-aangkop ng sistemang pulitikal sa pundasyong pangkabuhayan.
Batay sa mga tungkuling iniharap sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, pagkaraang isagawa ang lubusang imbestigasyon at malawakang pakinggan ang mungkahi, ipinalabas ng Komite Sentral ng CPC ang "Plano ng Reporma sa Organo ng Konseho ng Estado at Paglilipat ng Kapangyarihan."
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |