|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo sa delegasyon ng mga mangangalakal na Tsino, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na winewelkam ng kanyang bansa ang mga bahay-kalakal ng Tsina sa pagpapalawak ng pamumuhunan sa Kambodya at paglahok sa pagpapaunlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Kambodya at Tsina.
Sinabi ni Hun Sen na pumasok na ang relasyon ng Kambodya at Tsina sa bagong yugto ng komprehensibo at estratehikong partnership. Aniya, kahit malaki ang pamumuhunan ng Tsina sa Kambodya, malaki pa rin ang nakatagong lakas ng Kambodya, at winewelkam niya ang pagsasagawa ng delegasyon ng malalim na paglalakbay-suri sa industriya ng pagluluwas at turismo ng Kambodya.
Ipinahayag naman ng delegasyong Tsino na isasagawa nito ang paglalakbay-suri sa Phnom Penh, Preah Sihanouk, at Siem Reap, para malaman ang kapaligiran ng pamumuhunan at makahanap ng proyekto ng pamumuhunan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |