Mula noong ika-26 hanggang ika-28 ng nagdaang buwan, idinaos sa Beijing ang ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sinuri at pinagtibay sa pulong ang listahan ng mga napiling lider ng mga organo ng Konseho ng Estado, at listahan ng mga napiling lider ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Ipinasiya nito na magkahiwalay na iharap ang naturang 2 listahan sa presidium ng unang sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at presidium ng unang sesyon ng Ika-12 CPPCC.
Pinagtibay din sa pulong ang "Plano ng Reporma sa Organo ng Konseho ng Estado at Paglilipat ng Kapangyarihan," at iminungkahi nito na isumite ng Konseho ng Estado ang planong ito sa unang sesyon ng Ika-12 NPC para suriin.
Salin: Li Feng