|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, nagsagawa ang pamahalaan ng maraming hakbangin para makontrol ang presyo ng pabahay, pero, sa kasalukuyan, ang mataas na presyo ng mga apartment ay patuloy na nagsisilbing mabigat na pasanin ng mga mamamayan. Si WangLin ay isang kawani na nagtatrabaho sa isang bangko sa Beijing. Umaasa siyang makabili ng isang bahay dito sa Beijing, pero, nababalisa naman siya sa patuloy na pagtaas ng presyo g pabahay. Umaas aniya siyang ang NPC at CPPCC ay makakapagbigay-pansin sa isyung kung paaanong malulutas ang problema ng napakataas na presyo ng pabahay para mas maraming tao ang makabili ng bahay sa Beijing.
Bukod sa mataas na presyo ng pabahay, ang kaligtasan ng pagkain ay isa ring isyung pinagtutuunan ng pansin ng mga mamamayan. Si Ginoong NiuFan ay nagtatrabaho sa isang lokal na TV Station sa Tangshan ng lalawigang HeBei, at isisilang ang kanyang sanggol sa loob ng darating na ilang buwan. Ipinahayag ni Ginoong Niu at asawa niya na umaasa silang sa kasalukuyang sesyon ng NPC at CPPCC, makapaghaharap ng mas maraming mungkahi hinggil sa isyu ng kaligtasan ng pagkain, lalo na ng pagkain para sa sanggol.
Bukod dito, ang kalidad ng hangin sa Beijing ay isa pa ring isyu na ikinababahala ng mga mamamayan. Si Ginoong FuXing ay dumating ng Beijing kamakailan mula sa lalawigang HaiNan dahil sa pagbabago ng trabaho. Ipinalalagay niyang napakalaki ng agwat sa pagitan ng Beijing at Hainan kung kalidad ng hangin ang pag-uusapan. Ipinahayag niyang nakapagsagawa na ang pamahalaan ng maraming hakbangin para mapahupa ang kalagayan ng polusyon ng hangin, at natamo ang ilang bunga. Pero, umaasa siyang magiging mas mabilis ang proseso ng pag-sasaayos sa problemang ito dahil ang hangin na may polusyon ay magdudulot ng malaking epekto sa kalusugan ng maraming mamamayan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |