Hanggang kahapon ng tanghali, mahigit 3 libong mamamahayag na Tsino at dayuhan na ang nakapagpatala para magkober sa kasalukuyang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC). Kabilang dito, halos 1 libo ang galing sa ibang bansa.
Napag-alamang sa kasalukuyang sesyon ng NPC at CPPCC, ang mga paksang binibigyan ng malaking pansin ng mga mamamahayag ay kinabibilangan ng mga patakaran sa makro-ekonomiya ng Tsina, at mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.