Sa news briefing ng unang sesyon ng ika-12 Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) na idinaos kaninang hapon sa Beijing, sinagot ni Lv Xinhua, tagapagsalita ng kasalukuyang sesyon, ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran, administrasyon, isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, diplomasya, at mga iba pang mainitang paksa.
Sa isyu ng pangangalaga sa kapaligiran, inamin ni Lv na sa kasalukuyan sa Tsina, umiiral ang ilang problema sa isyung ito. Umaasa aniya siyang totohanang isasagawa ng mga departamento ng pamahalaan ang mga hakbangin sa lalong madaling panahon, para mapalakas ang pangangalga sa kapaligiran.
Pagdating naman sa bagong istilo ng gawain ng bagong liderato ng Tsina, ipinahayag niyang dapat igiit ang mga mabuting hakbangin at sistema. Ang mga ito aniya ay naglalayong maghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga karaniwang mamamayan.
Kaugnay naman ng isyu ng Diaoyu Islands, sinabi niyang dapat itigil ng panig Hapones ang mga maling aksyon sa isyung ito na kinabibilangan ng pagpapadala ng mga bapor at eroplanong pandigma para manggulo sa mga normal na aktibidad ng panig Tsino.