Nang kapanayamin kamakailan hinggil sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino, ipinahayag ng mga dayuhang eksperto na natamo ng Tsina ang kapansin-pansing tagumpay sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Maganda anila ang prospek ng pag-unlad ng Tsina.
Ipinalalagay ng isang eksperto mula sa Russia Science Academy na nitong 5 taong nakalipas, dahil sa mga isinagawang patakaran ng pamunuang Tsino, natamo ng Tsina ang malaking tagumpay sa mga larangan ng kabuhayan, kalawakan, at iba pa, at napataas din ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi naman ng eksperto ng Institute for Strategic Studies under the President ng Kazakhstan na tiyak na ihaharap sa kasalukuyang sesyon ang mga mas mabisa at komprehensibong patakaran at hakbangin hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at magpapasulong ito sa pagtamo ng Tsina ng mas malaking tagumpay.
Salin: Liu Kai