|
||||||||
|
||
Idinaos kaninang umaga sa Great Hall of the People ang pulong na preparatoryo ng unang sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Inihalal sa pulong ang Presidium at Pangkalahatang Kalihim ng naturang sesyon, at pinagtibay ang adyenda nito.
Nangulo sa pulong si Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-11 NPC. Ipinatalastas niyang bubuksan bukas ang unang sesyon ng Ika-12 NPC, at handa na ang lahat ng gawin para rito.
Lalahok sa sesyon ang 2987 kinatawan. Binubuo ng Presidium ang178 tauhan, at si Li Jianguo ang Pangkalahatang Kalihim ng sesyon.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |