Nang sagutin niya ang may kinalamang tanong ng mga mamamahayag ngayong araw, ipinahayag ni Fu Ying, Tagapagsalita ng Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na sa tagumpay ng Asya, dapat kilalanin ang nukleong papel na pinatingkad ng patakaran ng mapayapang diplomasya ng Tsina.
Sinabi ni Fu, na mahabang panahon na ring pinaiiral ang patakarang pandepensa ng Tsina na mapayapa at nagtatanggol. Mahigit sampung taong iginigiit ng Tsina ang naturang patakaran, at hindi ito nagbabago. Mayroong ambag ang patakarang ito para sa kaligtasan at kapayapaan sa rehiyong ito, aniya pa.
Salin: Li Feng