|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Beijing ang news briefing hinggil sa sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Sinagot ni Fu Ying, Tagapagsalita ng NPC, ang mga tanong ng mga mamamahayag sa loob at labas ng bansa hinggil sa estruktura ng mga deputado ng NPC, patakarang panlabas, paglaban sa korupsyon, pangangalaga sa kapaligiran, at utang ng mga pamahalaang lokal.
Sinabi ni Fu na bubuksan bukas ng umaga ang unang sesyong plenaryo ng ika-12 NPC na tatagal hanggang ika-17 ng Marso.
Sinabi naman niya na narating na ang nagkakaisang posisyon ng buong bansa sa ibayo pang pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas.
Kaugnay ng national defense budget at patakarang panlabas, sinabi ni Fu na ang mapayapang patakarang panlabas ng Tsina ay gumanap ng mahalagang papel para sa kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng Asya.
Kaugnay ng mga hidwaang panghangganan, sinabi ni Fu na kung isasagawa ng mga may kinalamang bansa ang probokasyon sa isyung ito, dapat isagawa ng Tsina ang mahigipit na nakatugong hakbangin.
Kaugnay ng pangangalaga sa kapaligiran, sinabi ni Fu na may espasyo pa rin ang pagpapabuti sa mga may kinalamang batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |