Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mainit na isyu sa mga sesyon ng NPC at CPPCC sa taong 2013

(GMT+08:00) 2013-03-04 18:30:55       CRI

Binuksan dito sa Beijing kahapon ang unang sesyon ng ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Bubuksan bukas ang unang sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC. Buong pananabik na inaasahan ng mga mamamayang Tsino ang mga bagong patakarang ilalabas sa mga sesyong ito. Pinagtutuunan naman ng pansin ng komunidad ng daigdig ang naturang dalawang sesyon.

Sa kasalukuyang mga sesyon ng NPC at CPPCC, ihahalal ang bagong liderato ng bansa. Ipinalalagay ng pahayagang Daily Telegraph ng Britanya na ang pananalitang "dapat matanggap ang matinding pagbatikos" na inilabas ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ay nagpasigla sa mga taong nais magpasulong ng reporma. Anu-anong epekto ang idudulot ng ideya at estilo ng pangangasiwa ng bagong liderato sa pulitika, kabuhayan, lipunan at diplomasya ng Tsina? Paano pananaigan ng bagong lider ang mga kahirapan, at pasusulungin ang reporma sa mga mahahalagang larangan? Paano malulutas ang mga realistikong isyung may kinalaman sa kapakanan ng mga mamamayan? Naghihintay ang mga mamamayan sa loob at labas ng Tsina ng sagot sa nabanggit na mga tanong.

Sa mga sesyong ito, susuriin at tatalakayin ang panukalang plano hinggil sa reporma at pagbabago ng tungkulin ng mga organo ng Konseho ng Estado. Ito ang isang mahalagang hakbangin sa pagbabago ng tungkuling ng pamahalaan, kaya lipos ng ekspektasyon dito ang iba't ibang sirkulo ng lipunan.

Noong isang taon, matatag na bumangon ang kabuhayang Tsino. Sa kalagayan ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, lumampas na, sa kauna-unahang pagkakataon, sa 50 trilyong yuan RMB ang kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino, at ang 7.8% paglago nito ay nakatawag ng pansin ng buong mundo. Gusto malaman ng komunidad ng daigdig kung magbubunga o hindi ang mga patakarang ekonomiko ng bagong pamahalaan ng Tsina ng positibong epekto sa kabuhayang pandaigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>