|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Vienna ang Pulong ng Konseho ng International Atomic Energy Agency (IAEA). Ito ang unang Pulong ng Konseho na idinaos ng IAEA sa taong ito.
Nang mabanggit ang isyung nuklear ng Korean Peninsula, muling nanawagan sa Hilagang Korea si Yukiya Amano, Direktor-heneral ng IAEA, na komprehensibong tupdin ang "Kasunduan ng Di-pagpapalaganap ng Sandatang Nuklear."
Nang mabanggit naman ang isyung nuklear ng Iran, muling hiniling niya sa Iran na makipagkooperasyon sa IAEA. Hiniling din niya sa Iran na pahintulutan ang pagpasok ng mga tagapagsiyasat sa baseng militar nito sa Parchīn.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |