|
||||||||
|
||
Sa kanyang Government Work Report na binigkas ngayong araw sa unang sesyon ng bagong Pambansang Kongresong Bayan o NPC, ipinahayag ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina na pumasok sa pinakakritikal na yugto ang reporma ng Tsina. Dapat ibayo pang pasulungin ng Pamahalaan ang reporma batay sa mas malaking katapangan at katalinuan.
Ipinahayag ni Wen na dapat igiit ang pamamahala sa bansa ayon sa batas, igarantiya na gamitin ang kapangyarihan ng mga organong administratibo ng bansa ayon sa batas. Dapat igiit ang pagbabago ng punsyon ng pamahalaan, at itatag ang service-oriented government. Dapat igiit ang pagtutol sa korupsyon, at palakasin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon.
Ipinahayag rin ni Premiyer Wen na dapat lalo pang pabutihin ang sistema ng sosyalistang market economy, palalimin ang reporma sa bahay-kalakal na ari ng estado at reporma sa mga pangunahing industriya, pabilisin ang reporma sa sistemang fiscal at pangongolekta ng buwis, palalimin ang reporma sa sistemang pinansiyal at reporma sa sistema ng pamumuhunan at pangingilak ng pondo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |