Lumahok kahapon ng hapon si Pangalawang Premyer Li Keqiang ng Tsina sa talakayan ng delegasyon ng Lalawigang Shandong sa kasalukuyang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC).
Sinabi ni Li na ang kasalukuyang mga mahalagang aspekto ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay kinabibilangan ng pagpapabilis ng pagbabago ng estruktura ng kabuhayan, magkakasabay na pagpapasulong ng industriyalisasyon, impormalisasyon, urbanisasyon, at modernisasyong pang-agrikultura, at pagkokoordina sa pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan.
Tinukoy din ni Li na habang pinapaunlad ang kabuhayan, dapat ding pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, dapat puspusang pabutihin ang mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng kaligtasan ng pagkain.
Salin: Liu Kai