|
||||||||
|
||
Ang Timog Korea ay kapitbansa ng Tsina. Ipinahayag ni Cho Yong-sung, mamamahayag ng Asia Business ng T.Korea na nagbibigay-pansin ang kanyang bansa sa estratehiyang pangkabuhayan ng Tsina sa taong ito, ganoon din ang tinuran sa isyung ito ng mga mamamahayag mula sa Cameroon, Britaniya at iba pang bansa. Hinggil dito, sa Government Work Report na binigkas kahapon sa unang sesyon ng NPC, ipinahayag ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina na sa taong ito, lalaki ng 7.5% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa, na ang kabuhayang Tsino ay pumasok na sa yugto ng pagbabago at praktikal anila ang naturang target ng paglaki ng kabuhayan.
Sa naturang Government Work Report, ipinahayag ni Premiyer Wen na sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, umiiral pa rin ang mga kontradiksyon at problema. Hinggil dito, ipinahayag ni Xavier Fontdegloria Fernandez, mamamahayag mula sa La Agencia EFE,S.A. ng Espanya na mulat ang Tsina sa mga hamon na kinakaharap nito.
Bilang kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina, sa kasalukuyang pulong ng NPC, ihahalal ang Pangulo ng Tsina at pagpapasyahan rin ang kandidato sa pagka-Premiyer ng Konseho ng Estado ng Tsina, at ipapasiya rin ang kandidato ng Premiyer ng Konseho ng Estado ng Tsina. Iminungkahi ni Premiyer Wen na simulan ng bagong pamahalaan ang lahat ng gawain mula sa paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at malalimang pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas na may ibayong tapang at talino. Ipinahayag ni Aleksei Selishchev, pirmihang mamamahayag sa Tsina ng Itar-Tass ng Rusya na mataas na pinahahalagahan niya ang Government Work Report ni Premyer Wen at bunga na natamo ng pamahalaan na pinamumunuan ni Wen nitong 10 taong nakalipas.
Para sa susunod na bagong pamahalaang Tsino, nagpahayag ng kanyang mabuting hangarin si Cho Yong-sung, mamamahayag ng T.Korea. Sinabi niyang umaasa siyang walang humpay na susulong ang Tsina para maisakatuparan ang Chineses Dream.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |