|
||||||||
|
||
Sinabi ni Dr. Yasser Gadallah, Associate Professor of Economics & Director of Chinese-Egyptian Research Center ng Helwan University ng Ehipto na, makatwiran ang 7.5% tinatayang paglaki ng kabuhayan sa taong ito ng Tsina. Ito ay isang tumpak na kapasiyahan ng Pamahalaang Tsino na maaaring maggarantiya sa pagsasakatuparan ng pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan. Ipinahayag ang katulad na opinion ng isang propesor ng National University of Singapore (NUS) at ni Konstantin Sokolov, Pangalawang Puno ng Research Institute of the Russian Geopolitical Problems.
Iniulat naman ng BBC na ang pagtatakda ng Pamahalaang Tsino ng 7.5% target na paglaki ng kabuhayan sa taong ito ay nagpakitang hahanapin ng Tsina ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan.
Ayon sa ulat ng Al Jazeera, binigyan-diin ng naturang report ni Premiyer Wen na dapat paunlarin ang kapuwa pag-unlad ng kabuhayan at ang konstruksyon ng lipunan.
Ipinahayag ni Benno Penze, dalubhasa ng Alemanya na ang 7.5% target na paglaki ng kabuhayang Tsino ay nananatiling isang napakataas na bilang para sa Europa at E.U.. Binigyan-diin niyang ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay nagdudulot ng positibong pag-unlad sa ibang bansa.
Ipinahayag ng researcher ng Indian Academy of Social Sciences na ang pinakamahalagang impormasyong ipinalabas ng Government Work Report ng Tsina ay: patuloy na pananatilihin ng kabuhayang Tsino ang tunguhin ng may kabilisang paglaki, kasabay nito, ang paglaki nito ay magiging mas makatwiran. Ipinahayag niyang ang target na ito ay makakatulong sa iba't ibang bansa sa rehiyong ito na makahulagpos mula sa kahirapan ng paglaki ng kabuhayan, ito rin ay magdudulot ng kasiglahan para sa pag-unlad at kasaganaan ng mga bagong economy at ibang umuunlad na bansa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |