Sa kanyang work report sa idinaraos na sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ngayong araw ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, na dapat komprehensibong pasulungin ang pamamahala sa estado alinsunod sa batas, at ibayo pang patingkarin ang mahalagang papel ng batas sa pangangasiwa sa bansa at buong lipunan. Dagdag niya, dapat palakasin ang pagkontrol at pagsusuperbisa sa paggamit ng kapangyarihan, para maigarantiya ang alinsunod sa batas na takbo ng mga organo ng estado.
Kaugnay naman ng mga gawain ng NPC, sinabi ni Wu na ang superbisyon sa isyung pangkabuhayan, isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at isyung hudisyal ay mga pangunahing gawain ng NPC noong nakaraan at sa hinaharap. Kasabay nito aniya, dapat balangkasin sa lalong madaling panahon ng Pirmihang Lupon ng NPC ang plano ng lehislasyon sa darating na limang taon.
Salin: Liu Kai