"Sa harap ng tangkang paglulunsad ng Amerika ng digmaang nuklear, buong lakas na pangangalagaan ang seguridad ng estado, kabilang dito ang unang paggamit ng sandatang nuklear." Ito ang ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea bilang tugon sa ensayong militar na tinatawag na "Foal Eagle", at "Key Resolve 2013 Exercise" na idaraos ng E.U. mula ika-11 ng buwang ito.
Sinabi ng naturang tagapagsalita na sa harap ng panunulsol ng Amerika, nagtitimpi ang Hilagang Korea hangga't maaari para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa Peninsula ng Korea. Pero, ipinagwawalang-bahala aniya ng Amerika ang pagsisikap ng kanyang bansa.
Nauna rito, ipinahayag ng panig militar ng H.Korea na ang panahon ng pagsisimula ng ensayong militar ng E.U. ay siya ring panahon ng pagsususpinde sa "Korean Ceasefire Agreement" na nilagdaan noong 1953.