|
||||||||
|
||
Sa magkakahiwalay na okasyon, dumalo kahapon ng umaga ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa, na kinabibilangan nina Li Keqiang, Zhang Dejiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, at Zhang Gaoli, sa pagsusuri ng ilang delegasyon sa unang sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Sa kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Guizhou, sinabi ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, na dapat paunlarin ang Guizhou sa pamamagitan ng paghuhubog ng mga talento.
Sa kanyang hiwalay na pagdalo naman sa pagsusuri ng delegasyon ng Hong Kong at Macau, ipinahayag ni Zhang Dejiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, ang pag-asang patuloy na mapapatingkad ng mga deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ang kanilang papel, para mapasulong pa ang natamong tagumpay ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa naturang dalawang rehiyon.
Bukod dito, sina Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, at Zhang Gaoli, ay magkakahiwalay na dumalo rin sa pagsusuri ng mga delegasyon ng Taiwan, Fujian, at Chongqing.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |