Nang kapanayamin ngayong araw ng mamamahayag, ipinahayag ni Shi Zihai, Direktor ng Tanggapan ng Pananaliksik sa Patakaran ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sapul noong ika-4 na kuwarter ng nagdaang taon, lumitaw ang malinaw na tunguhin ng pagtaas sa kabuhayang Tsino, at umuunlad ang kabuhayan tungo sa inaasahang target ng macro-control.
Ani Shi, sa macro-level man o sa antas ng bahay-kalakal, kapuwa lumitaw ang tunguhin ng pagbuti sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Sa macro-level, noong isang taon, pawang tumaas ang consumer demand, pamumuhunan at pagluluwas ng Tsina, at sumusulong ang macro-data tungo sa mainam na direksyon. Sa antas ng bahay-kalakal naman, sapul noong nagdaang Agosto, unti-unting tumaas ang paglaki ng industriya, at umabot na sa 10.3% ang paglaki nito noong nagdaang Disyembre. Hanggang noong nagdaang buwan, nanatiling 50% pataas ang purchasing managers' index ng industriya ng pagyari sa loob ng 5 buwang singkad, bagay na nagbigay ng positibong signal ng pagtaas ng kabuhayan. Mainam din ang tunguhin ng bolyum ng paghahatid ng paninda ng daambakal, port's volume of freight traffic at iba pang indeks.
Salin: Vera