Sa preskon ng Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, ipinahayag ngayong araw ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na walang konkretong estratehiya ang kanyang bansa sa pamumuhunan sa ibang bansa. Ang aksyon ng pamimili ng mga bahay-kalakal sa ibayong dagat ay naaayon sa sarili nilang estratehiya. Ang rehiyon at proyektong pinamumuhunanan ng mga bahay-kalakal ay pinagpapasyahan nila mismo, at dapat maging responsable din sila sa episiyensiya at interes ng kanilang pamumuhunan at pamamalakad.
Dagdag pa ni Chen na ang Doha Round Talks ng World Trade Organization ay isang proseso ng pagtatakda ng bagong regulasyon ng kalakalang pandaigdig na "kailangang puspusang pasulungin natin". Aniya, bukas ang pakikitungo ng Tsina sa pakikipagkooperasyong pangkalakalan sa rehiyong ito at mga kapitbansa. Umaasa aniya siyang magiging maliwanag at mapagbigay ang lahat ng ganitong talastasan, at hindi dapat boykotin ang ika-3 panig.
Salin: Vera