Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina na ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng kanyang bansa sapul pa noong sinaunang panahon, at ang kasalukuyang isyu sa islang ito ay nag-uugat sa ilegal na pagkuha at pagsakop ng Hapon sa teritoryong ito ng Tsina.
Aminado rin siyang ang pangmatagalang malusog at matatag na relasyong Sino-Hapones ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.