Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina na pagdating sa mga hidwaan sa teritoryo ng Tsina at mga kapitbansa, matatag ang Tsina sa pangangalaga sa teritoryo, soberanya, at mga lehitimong kapakanan ng bansa.
Samantala aniya, nakahanda rin ang Tsina na maayos na hawakan at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan, para mapanatili ang kapayapaan at katatatagan ng rehiyong ito.