Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yang Jiechi, sinagot ang mga tanong hinggil sa diplomasya ng Tsina

(GMT+08:00) 2013-03-09 14:53:57       CRI

Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinagot ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina ang mga tanong hinggil sa patakarang diplomatiko at relasyong panlabas ng bansa.

Kaugnay ng diplomasya ng Tsina, sinabi ni Yang na buong tatag at di-magbabagong igigiit ng kanyang bansa ang mapayapang pag-unlad, at patuloy na pangangalagaan ang soberanya, katiwasayan, at interes na pangkaunlaran ng bansa. Dagdag niya, mas aktibong lalahok ang Tsina sa mga suliraning pandaigdig, at magpapatingkad ng papel para tumungo ang sistemang pandaigdig sa mas makatarungan at makatwirang direksyon.

Isiniwalat din ni Yang na sa paanyaya ng mga pangulo ng Rusya, Tanzania, Timog Aprika, at Republic of Congo, ang ihahalal na bagong pangulo ng Tsina ay gagawa ng dalaw-pang-estado sa naturang apat na bansa. Aniya, ang 4 na bansang ito ay mga unang bansang dadalawin ng bagong lider na Tsino, at ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa relasyon nito sa Rusya at mga bansang Aprikano.

Pagdating naman sa relasyong Sino-Amerikano, sinabi ni Yang na tinatanggap ng Tsina ang pagpapatingkad ng Estados Unidos ng konstruktibong papel sa Asya-Pasipiko, samantala, dapat igalang naman ng E.U. ang mga interes at malasakit ng Tsina. Dagdag niya, dapat maayos na hawakan ng E.U. ang mga sensitibong isyu ng Tsina na gaya ng isyu ng Taiwan.

Pagdating naman sa relasyong Sino-Hapones, sinabi ni Yang na ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng Tsina sapul pa noong sinaunang panahon, at ang kasalukuyang isyu sa islang ito ay nag-uugat sa ilegal na pagkuha at pagsakop ng Hapon sa teritoryong ito ng Tsina. Aminado rin siyang ang pangmatagalang malusog at matatag na relasyong Sino-Hapones ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Pagdating naman sa hidwaan sa teritoryo ng Tsina at mga kapitbansa, tinukoy ni Yang na matatag ang Tsina sa pangangalaga sa teritoryo, soberanya, at mga lehitimong kapakanan ng bansa. Samantala aniya, nakahanda rin ang Tsina na maayos na hawakan at lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan, para mapanatili ang kapayapaan at katatatagan ng rehiyong ito.

Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Yang na ang maayos na pagharap sa isyung ito, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula, at pag-iwas ng kaguluhan at digmaan sa peninsulang ito, ay angkop sa komong interes ng iba't ibang panig, at ang mga ito ay komong responsibilidad din nila.

Kaugnay naman ng isyu ng Syria, ipinahayag ni Yang na iginagalang ng Tsina ang hangarin at pagpili ng mga mamamayan ng Syria sa isyung ito. Aniya pa, bagama't naganap ang pagbabago sa pulitika sa ilang bansa sa kanlurang Asya at hilagang Aprika, hindi magbabago ang pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang ito.

Kaugnay naman ng umano'y cyber war, sinabi ni Yang na nangangailangan ang cyber space ng regulasyon at kooperasyon, sa halip ng digmaan. Pinaninindigan aniya ng Tsina na itatag ang isang mapayapa, ligtas, bukas, at kooperatibong cyber space, at itakda sa loob ng balangkas ng UN ang mga pandaigdig na regulasyon hinggil sa cyber space.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>