|
||||||||
|
||
Sa delegasyon ng Jiangsu, tinukoy ni Xi Jinping na dapat palalimin ang pagsasaayos ng estruktura ng industriya, para mapataas ang kalidad ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Sa delegasyon ng Guangdong, pinasigla ni Zhang Dejiang ang lalawigang ito na patuloy na magpatingkad ng namumunong papel sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas.
Sa delegasyon ng Qinghai, ipinahayag ni Liu Yunshan na dapat magkaloob ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ng mas mabuting serbisyong pangkultura sa mga mamamayan.
Sa delegasyon ng Anhui, sinabi ni Wang Qishan na ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagdaragdag ng hanapbuhay, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay mananatiling pangunahing aspekto ng gawaing pangkabuhayan ng Tsina.
Sa delegasyon ng Shanxi, hiniling ni Zhang Gaoli sa lalawigang ito at iba pang lugar ng Tsina na palakasin ang inobasyon at puspusang pasulungin ang green at low-carbon economy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |