Ipinatalastas ngayong araw ng Pamahalaang Sentral ng Tsina ang plano sa pagsasaayos ng mga departamento at pagbabago ng tungkulin ng mga ito. Ito'y nagpapakita ng pagsasagawa ng Tsina ng bagong round ng reporma sa pamahalaan.
Ayon sa plano, bababa ang bilang ng mga departamento ng pamahalaang sentral sa 25 mula sa kasalukuyang 27.
Ito'y kinabibilangan ng: Paghihiwalay sa dalawang bahagi ng Ministri ng Daambakal. Ang mga departamentong administratibo nito ay isasanib sa Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon. Samantalang ang ibang departamento ng pagpapatakbo ng tren ay mapapasailalim ng isang bahay-kalakal. Bubuuin ang Pambansang Lupon ng Kalusugan at Gawaing Pagpaplano ng Pamilya at kakanselahin ang Ministri ng Kalusugan at Pambansang Lupon sa Populasyon at Gawaing Pagpaplano ng Pamilya. Palalawakin naman ang saklaw ng tungkulin ng State Food and Drug Administration. Pagsasamahin ang General Administration of Press and Publication, at State Administration of Radio, Film and Television sa ilalim ng isang bagong departamento na namamahala sa mga suliranin sa mga larangan ng press, publikasyon, radio, pelikula, at TV sa buong bansa. At bubuuin ang bagong Pambansang Kawanihan ng Enerhiya at Pambansang Kawanihan ng Dagat.