Ayon sa planong ipinalabas kahapon hinggil sa reporma sa organo ng Konseho ng Estado ng Tsina, muling bubuuin ang State Oceanic Administration (SOA).
Ang mga gawain at tungkulin ng bagong SOA ay mas malawak kaysa dating administrasyong ito. Ang mga gawain ay sasaklaw sa maritime surveillance, coast guard, fishery administration, maritime anti-smuggling at iba pa. Ang mga pangunahing tungkulin ng tanggapan ay paggawa ng plano ng pagdedebelop ng dagat, pagpapatupad ng batas sa dagat, pamamahala sa paggamit ng mga rehiyong pandagat, pagsusuperbisa sa pangangalaga sa kapaligiran ng dagat, at iba pa.
Salin: Liu Kai