Sa kanyang work report sa kasalukuyang sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Cao Jianming, Punong Prokurador ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan, na nitong 5 taong nakalipas, inimbestigahan ng prokuratura ang mga kaso ng duty criminal na gaya ng korupsyon ng 30 opisyal sa antas ng lalawigan at ministri pataas.
Tinukoy ni Cao na buong lakas at buong higpit na inimbestigahan ng prokuraturang Tsino ang mga kaso ng korupsyon at iba pang duty criminal. Aniya, nitong 5 taong nakalipas, halos 166 na libong kaso ang inimbestigahan, at sangkot sa mga kasong ito ang halos 220 libong opisyal.
Salin: Liu Kai