Sinimulan ngayong araw ang magkasanib na pagsasanay-militar ng Timog Korea at Amerika na may code name na "Key Resolve 2013 Exercise". Napag-alamang lalahok sa pagsasanay ang mga fighter ng Amerika. Dumating na sa Timog Korea ang "USS Lassen" at "USS Fitzgerald," dalawang Airborne Early-warning Ground Integrated Destroyer ng Amerika. Hindi pa alam kung lalahok o hindi ang aircraft carrier ng Amerika sa pagsasanay.
Samantala, alinsunod sa pahayag, pinutol ngayong araw ng Hilagang Korea ang hot line para sa pag-uugnayan ng H. at T. Korea hinggil sa mga pangkagipitang isyu.
Salin: Andrea