Kaugnay ng plano ng Konseho ng Estado o Pamahalaang Sentral ng Tsina sa pagsasagawa ng reporma sa mga departamento at pagsasaayos ng tungkulin ng mga ito, sinagot kaninang umaga sa Beijing si Wang Feng, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng State Commission for Public Sector Reform ng Tsina, ang mga tanong ng mga mamamahayag sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa kanya, ang pokus ng nasabing reporma at pagsasaayos ay nasa pagbabago ng mga tungkulin ng mga departamento. Sinabi ni Wang na dapat bawasan ang ilang departamento at ilipat ang mga kapangyarihan sa mga organisasyong panlipunan hinggil sa mga suliraning pampubliko.
Ito aniya ay naglalayong pabutihin ang gawain ng pamahalaang Tsino sa macroeconomic management, at isakatuparan ang 4 na tungkulin na kinabibilangan ng pagsasaayos ng kabuhayan, pagsusuperbisa at pamamahala sa pamilihan, pangangasiwa sa lipunan at pagkakaloob ng serbisyong pampubliko.