|
||||||||
|
||
Kinapanayam ngayong araw ng mamamahayag ng China Radio International (CRI) si Chaiwat Rattanaprasit, Presidente ng Thailand National Education Radio, hinggil sa kasalukuyang idinaraos na "Dalawang Sesyon" ng Tsina.
Sa panayam, ipinahayag ni Chaiwat Rattanaprasit, na malaki ang katuturan ng naturang "Dalawang Sesyon", at malalim ang impluwensiya nito. Ito aniya ay hindi lamang may kinalaman sa pag-unlad ng sariling kabuhayan ng Tsina, kundi makakapagbigay ito ng malalimang impluwensiya sa kabuhayan ng Asya at buong daigdig.
Binigyang-pansin din niya ang opinyong "malinaw na administrasyon" na binanggit ni Premyer Wen Jiabao. Ipinalalagay niya na ang pagpapatupad ng opinyong ito ay tiyak na makakapagpasulong ng sistemang pulitkal ng Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |