Sa Great Hall of the People, Beijing—idinaos dito kaninang umaga ang ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongreso Bayan ng Tsina o NPC. Sa pamamagitan ng lihim na pagboto, nahalal si Xi Jinping bilang Pangulo ng bansa at Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina. Si Zhang Dejiang naman ang nahalal bilang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 NPC. Manunungkulan si Li Yuanchao bilang Pangalawang Pangulo ng bansa. Pagkatapos ng pagboto, inaprobahan din ng pulong ang plano sa reporma at pagbabago sa tungkulin ng mga organo ng Konseho ng Estado.
Inihalal din sa pulong ang 13 Pangalawang Tagapangulo at 161 Kagawad ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 NPC.
Salin: Vera