Sinabi kahapon ni Zhou Xiaochuan, Presidente ng People's Bank of China (PBC)—Bangko Sentral ng Tsina, na noong nagdaang Pebrero, umabot na sa 3.2% ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina, na mas mataas kaysa inaasahang datos. Ito ay nagpapakitang dapat lubos na bantayan ang implasyon.
Winika ito ni Zhou sa isang news briefing ng Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina nang araw ring iyon. Aniya, nagiging matatag ang patakarang pansalapi ng Tsina sa kasalukuyang taon. Binabalak aniya ng PBC na patatagin ang presyo ng paninda at ekspektasyon ng implasyon, sa pamamagitan ng patakarang pansalapi at iba pang hakbangin.
Salin: Vera