|
||||||||
|
||
Ipinadala ngayong araw ni Punong Ministro Thong Sing ng Laos ang mensaheng pambati sa panunungkulan ni Li Keqiang bilang Premyer ng Tsina.
Sinabi ni Thong Sing na buong tatag na naniniwala siyang sa pamumuno ng pamahalaan ni Premyer Li Keqiang, ibayo pang mapapalakas ng mga mamamayang Tsino ang bansa at makakapag-ambag nang malaki sa kapayapaan, katatagan, kooperasyon, at pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |