|
||||||||
|
||
Idinaos dito sa Beijing kaninang umaga ang ika-5 Sesyong Plenaryo ng Unang Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongreso Bayan o NPC ng Tsina. Ipinasiya sa pulong na manungkulan si Li Keqiang bilang Premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Binasa sa pulong ang liham ng nominasyon ni Xi Jinping , Pangulo ng Bansa at Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina, hinggil sa mga kandidato ng Premyer, Pangalawang Tagapangulo at mga Kagawad ng Central Military Commission.
Sa pamamagitan ng botohan, ipinasiya sa pulong na manungkulan si Li Keqiang bilang Premyer, sina Fan Changlong at Xu Qiliang bilang Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission, at sina Chang Wanquan, Fang Fenghui, Zhang Yang, Zhao Keshi, Zhang Youxia, Wu Shengli, Ma Xiaotian at Wei Feng bilang mga kagawad ng naturang komisyon.
Nahalal sa pulong si Zhou Qiang bilang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, at si Cao Jianming bilang Prokurador Heneral ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina.
Lumagda si Pangulong Xi sa unang kautusan na nagsasaad na, ayon sa kapasiyahan ng pulong, hinihirang si Li Keqiang bilang Premyer ng Konseho ng Estado.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |