|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na di-katulad ng ibang kasunduan, awtomatikong mawawalan ng bisa ang Kasunduan sa pagtitigil ng Digmaan ng Korea kung hindi ito susundin ng isang signataryong panig.
Aniya, ipinatalastas ng Supreme Command ng Korean People's Army na ganap na nawalan ng bisa ang naturang kasunduan sapul nang simulan ang pagsasanay sa digmaang nuklear ng Amerika noong ika-11 ng Marso.
Dagdag pa niya, sa katunayan, matagal nang nawalan ng bisa ang kasunduang ito sa ilalim ng tuluy-tuloy at sistematikong aksyon ng pagsira ng Amerika at pagpanig dito ng United Nations Security Council. Ang magkasanib na pagsasanay-militar ng Amerika at Timog Korea na naglalayong maglunsad ng digmaang nuklear ay pinakamalaking pagyurak sa kasunduang ito.
Sinabi niyang sa ilalim ng matinding kalagayan, hindi tatanggapin ng kanyang bansa ang pagpigil ng naturang kasunduan. Kung magaganap ang anumang masamang pangyayari sa Korean Peninsula sa hinaharap, ang Amerika ang siya ganap na may kagagawan nito.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |