|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap nila ng German Chancellor, binati muna ni Merkel si Li sa kanyang panunungkulan bilang bagong premyer Tsino. Sinabi rin nitong lubos na pinahahalagahan ng Alemanya ang relasyon nila sa Tsina, at nakahandang walang humpay na pasulungin ang relasyong ito.
Sinabi naman ni Li na nakahanda ang Tsina, kasama ng Alemanya, na ibayo pang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at kanilang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig.
Sa pag-uusap naman nila ng Punong Ministro ng Indya, nagpahayag din si Singh ng kaparehong pagbati kay Li. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ng bagong lideratong Tsino, para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Li na malaki ang espasyong pangkooperasyon ng Tsina at Indya, at marami silang komong interes. Aniya pa, nakahanda ang Tsina, kasama ng Indya, na ibayo pang pasulungin ang kanilang estratehiko at kooperatibong partnership.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |